Maghanap ka ng bakal, iyong walang pintura at medyo kalawangin.
Higpitan ang paghawak nito.
Amuyin mo kamay mo.
Ano?
18, lalake, Pilipinas
He who seeks, finds. Bago pa man nakahantong sa kasalukuyang desisyon, tumahak ng isang daan hindi ako handa at hindi ko gusto, gusto ko talaga makapag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas. Hindi iyon nangyari. Wala akong magawa, at kung meron nga eh mahirap na bawiin, mahirap i-super glue sa perpektong porma ang basag na salamin. Tanging sa apoy uli ito dadaan para makamit ang inaasam.
Namulat ako sa pagiging frugal na pamumuhay. Iyong tipo na nilalabanan mo ang mabangis na hayop sa sarili mong bansa. Parang masarap magpa-api, masarap magpa-kurakot, sarap pahirapan basta mamumuhay ako sa lupa na kinalakihan ko, hindi ko inaalala kung hindi ko pinili maging Pilipino pero sa sarili ko noon pa man, kailangan ko maging Pilipino. Kulang na lang ang ninong ko sina Bob Ong na ituro sakin na mamuhay ng masaya, Manix Abrera para ituro ang kawirduhan ng mundo at mapa-munimuni minsan kung ano nga ba ang buhay ng estudyanteng pinoy, at kung sino-sino pang artist na minsan pinapakita na nag-uumpisa ka sa wala, na minsan puso lang at silakbo ng damdamin upang humulma ang kabuuang konsepto ng ako, ikaw, tao at Pilipino.
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
malapit na ang summer :)
excited na ko pumila ulit upang
umuwi at lupigin ang inis dito sa mamlue-mlue na mundong pinagkaitan ng letrang ‘e’.
excited na ko gumawa ulit ng walang kapunto-puntong video review. Puro angas at kawirduhan.
excited na ko mamaster ang pagtitibi ng pagdumi bago ko paman matapos ang ipapaskil dito.
Mabubuhay na naman ang kasentihan. Patuloy ang pagiging cryptic ng pagka-deep,
leche hindi nag-rhyme.
Iznart st., Iloilo City